Ano nga ba ang masama sa labis na pag-iinom?
Ang pag-iinom ay may mabuting dulot sa ating katawan. Nakakatulong ito sa pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat ngunit ang labis na pag-iinom ay madaming masamang epekto sa katawan. Sabi nga nila, lahat ng labis ay masama. Isa sa mga masamang epekto nito ay makakasama ito sa kalusugan lalo na sa mga matatanda na. Ano nga ba ang masama sa labis na pag-iinom?
Maraming kabataan na katulad ko ang tumitkim o nakakagawian na ang pag-iinom. Marami sa amin ang laging napagsasabihan ng magulang dahil umuuwing wala sa wisyo o lasing. Pero bakit nga ba kailangan uminom ng alak? Bakit kailangan ay labis pa? Maraming tanong na nasagot na ngunit parang walang naniniwala o sumusunod. Bakit? Dahil ang gusto ay maging malaya. Malaya sa kung saan lahat ng hilig nila ay gustong masunod. Malaya na sila mismo ang kumokontrol sa kanilang buhay. At gusto maging malaya sa pag-iinom dahil lamang sa kadahilanang iniwan ng kasintahan, napapagalitan ng magulang o di kaya dahil sa pagyaya ng barkada. Barkada, isa yan sa dahilan kung bakit marami ng kabataan ang umiiinom ng labis. Maaming kabataan ang naliligaw ng landas dahil sa labis na pag-iinom. Maraming kabataan ang hindi na matigil ang pag-iinom dahil nakagawian na nila ito.
Bilang isa sa mga kabataan na nakagawian na din ang ang labis na pag-iinom, ay nakaranas na din ng mga masamang epekto katulad ng natuto ako magsinungaling sa magulang ko, kung minsan naman ay yung sakit sa ulo o pagkahilo at hindi magandang dulot nito sa kalusugan ko. Pwede naman uminom, pero dapat alam pa din ang kaibahan ng sakto sa labis. Huwag ugaliin ang labis na pag-iinom. Dahil ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Kaya habang kaya pa, tigilan o kaya bawasan na ang pag-iinom.